Deuteronomio 3

Kapag naangkin na ng mga kapwa ninyo Israelita ang lupain sa kabila ng Jordan na ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Diyos, at kapag nabigyan na sila ng kasiguraduhan katulad ng kanyang ginawa sa inyo, makakabalik na kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo bilang ari-arian ninyo.”

Deuteronomy 3:20 (UKJV) Until the LORD have given rest unto your brethren, as well as unto you, and until they also possess the land which the LORD your God has given them beyond Jordan: and then shall all of you return every man unto his possession, which I have given you.

18Nang panahong iyon, inutusan ko ang mga angkan ninyo na naninirahan sa silangan ng Jordan, “Kahit na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos ang lupang ito para angkinin ninyo, kailangang tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Ilog Jordan na armado at handang manguna sa inyong mga kapatid na Israelita sa pakikipaglaban.

19Ngunit iiwan ninyo ang inyong mga asawaʼt anak, at ang napakarami ninyong hayop sa mga bayan na ibinigay ko sa inyo.

20Kapag naangkin na ng mga kapwa ninyo Israelita ang lupain sa kabila ng Jordan na ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Diyos, at kapag nabigyan na sila ng kasiguraduhan katulad ng kanyang ginawa sa inyo, makakabalik na kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo bilang ari-arian ninyo.”

21At nang panahong iyon, sinabi ko rin kay Josue, “Nakita mo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa dalawang Haring iyon. Ganoon din ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kaharian na inyong pupuntahan.

22Huwag kayong matakot sa kanila; ang Panginoon na inyong Diyos mismo ang makikipaglaban para sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.