23Nang panahong iyon, nagmakaawa ako sa Panginoon. Sinabi ko,
24“O Makapangyarihang Panginoon, sinimulan na ninyong ipakita sa inyong lingkod ang inyong kadakilaan, dahil walang diyos sa langit o sa lupa na makakagawa ng mga himala na inyong ginawa.
25Kaya payagan po ninyo akong makatawid para makita ko ang magandang lupain sa kabila ng Jordan, ang magagandang kaburulan at ang mga kabundukan ng Lebanon.”
26Ngunit nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya, “Tama na iyan! Huwag mo na akong kausapin tungkol sa mga bagay na iyan.
27Umakyat ka sa tuktok ng Bundok ng Pisga at tanawin mo ang lupain sa ibaʼt ibang direksiyon. Pagmasdan mo ito nang mabuti dahil hindi ka na makakatawid sa Ilog Jordan.