Deuteronomio 3

Ngunit nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya, “Tama na iyan! Huwag mo na akong kausapin tungkol sa mga bagay na iyan.

Deuteronomy 3:26 (UKJV) But the LORD was angry with me for your sakes, and would not hear me: and the LORD said unto me, Let it suffice you; speak no more unto me of this matter.

24“O Makapangyarihang Panginoon, sinimulan na ninyong ipakita sa inyong lingkod ang inyong kadakilaan, dahil walang diyos sa langit o sa lupa na makakagawa ng mga himala na inyong ginawa.

25Kaya payagan po ninyo akong makatawid para makita ko ang magandang lupain sa kabila ng Jordan, ang magagandang kaburulan at ang mga kabundukan ng Lebanon.”

26Ngunit nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya, “Tama na iyan! Huwag mo na akong kausapin tungkol sa mga bagay na iyan.

27Umakyat ka sa tuktok ng Bundok ng Pisga at tanawin mo ang lupain sa ibaʼt ibang direksiyon. Pagmasdan mo ito nang mabuti dahil hindi ka na makakatawid sa Ilog Jordan.

28Ngunit turuan mo si Josue sa kanyang gagawin. Palakasin mo ang loob niya dahil siya ang mamumuno sa mga tao sa pagtawid sa Jordan. Ibibigay niya sa kanila bilang mana ang lupaing makikita mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.