17Ngunit kung tatalikod kayo at hindi susunod sa kanya, at kung sasamba kayo at maglilingkod sa ibang mga diyos;
18ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong tiyak na mamamatay kayo. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing titirhan ninyo at mamanahin doon sa kabila ng Jordan na inyong sasakupin.
19Sa araw na ito, tinatawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.
20Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.