Deuteronomio 30

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

Deuteronomy 30:20 (UKJV) That you may love the LORD your God, and that you may obey his voice, and that you may cleave unto him: for he is your life, and the length of your days: that you may dwell in the land which the LORD swore unto your fathers, to Abraham, to Isaac, and to Jacob, to give them.

18ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong tiyak na mamamatay kayo. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing titirhan ninyo at mamanahin doon sa kabila ng Jordan na inyong sasakupin.

19Sa araw na ito, tinatawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.

20Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.