Deuteronomio 30

ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong tiyak na mamamatay kayo. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing titirhan ninyo at mamanahin doon sa kabila ng Jordan na inyong sasakupin.

Deuteronomy 30:18 (UKJV) I denounce unto you this day, that all of you shall surely perish, and that all of you shall not prolong your days upon the land, where you pass over Jordan to go to possess it.

16Inuutusan ko kayo ngayong mahalin ang Panginoon na inyong Diyos, na mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, at sundin ang kanyang mga utos at tuntunin. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal at dadami, at pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.

17Ngunit kung tatalikod kayo at hindi susunod sa kanya, at kung sasamba kayo at maglilingkod sa ibang mga diyos;

18ngayon pa lang, binabalaan ko na kayong tiyak na mamamatay kayo. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing titirhan ninyo at mamanahin doon sa kabila ng Jordan na inyong sasakupin.

19Sa araw na ito, tinatawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.

20Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kapag ginawa ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.