Deuteronomio 31

Dadalhin ko sila sa maganda at masaganang lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanilang mga ninuno. Doon, mabubuhay sila nang masagana; kakain sila ng lahat ng pagkaing gusto nila, at mabubusog sila. Subalit tatalikuran nila ako at sasamba sa ibang mga diyos. Susuwayin nila ang aking kasunduan.

Deuteronomy 31:20 (UKJV) For when I shall have brought them into the land which I swore unto their fathers, that flows with milk and honey; and they shall have eaten and filled themselves, and becoming fat; then will they turn unto other gods, and serve them, and provoke me, and break my covenant.

18Tatalikuran ko sila sa panahong iyon dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nila at pagsamba sa ibang mga diyos.

19“Kaya isulat mo ang awit na ito at ituro sa mga Israelita. Ipaawit mo ito sa kanila para maging saksi ito laban sa kanila.

20Dadalhin ko sila sa maganda at masaganang lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanilang mga ninuno. Doon, mabubuhay sila nang masagana; kakain sila ng lahat ng pagkaing gusto nila, at mabubusog sila. Subalit tatalikuran nila ako at sasamba sa ibang mga diyos. Susuwayin nila ang aking kasunduan.

21Kung dumating na sa kanila ang maraming kapahamakan at mga kahirapan, ang awit na ito ang magiging saksi laban sa kanila, sapagkat hindi ito malilimutan ng kanilang mga lahi. Nalalaman ko kung ano ang pinaplano nilang gawin kahit na hindi ko pa sila nadadala sa lupaing ipinangako ko sa kanila.”

22Sa araw na iyon, isinulat ni Moises ang awit at itinuro sa mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.