Deuteronomio 31

“Kunin ninyo ang Aklat ng Kautusan na ito at ilagay sa tabi ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na inyong Diyos. Mananatili ito roon bilang saksi laban sa mga mamamayan ng Israel.

Deuteronomy 31:26 (UKJV) Take this book of the law, and put it in the side of the ark of the covenant of the LORD your God, that it may be there for a witness against you.

24Pagkatapos na maisulat ni Moises ang lahat ng utos sa aklat,

25inutusan niya ang mga Levita, na siyang mga tagabuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Sinabi niya,

26“Kunin ninyo ang Aklat ng Kautusan na ito at ilagay sa tabi ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na inyong Diyos. Mananatili ito roon bilang saksi laban sa mga mamamayan ng Israel.

27Sapagkat nalalaman ko kung gaano kayo kasuwail at kung gaano katigas ang inyong ulo. Kahit nga ngayong kasama ninyo ako, nagrerebelde na kayo sa Panginoon, ano pa kaya kung patay na ako!

28Tipunin ninyo sa harapan ko ang lahat ng tagapamahala ng inyong angkan at ang lahat ng opisyal upang masabi ko sa kanila ang mga bagay na ito. At tatawagin ko ang langit at ang lupa bilang saksi laban sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.