Deuteronomio 32

Ang mga katuruan koʼy papatak gaya ng ulan at bababa tulad ng hamog sa damuhan, tulad ng buhos ng ulan sa mga pananim, parang saganang ulan sa mga halaman.

Deuteronomy 32:2 (UKJV) My doctrine shall drop as the rain, my speech shall distil as the dew, as the small rain upon the tender herb, and as the showers upon the grass:

1Pakinggan mo, O langit, ang aking sasabihin! Pakinggan mo ang mga salitang aking sasambitin.

2Ang mga katuruan koʼy papatak gaya ng ulan at bababa tulad ng hamog sa damuhan, tulad ng buhos ng ulan sa mga pananim, parang saganang ulan sa mga halaman.

3Ipapahayag ko ang pangalan ng Panginoon, Purihin ang kadakilaan ng ating Diyos.

4Siya ang Batong Kanlungan, mga gawa niya ay walang kamalian, Siyaʼy Diyos na matapat, matuwid kanyang daan, at makatarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.