22Naglalagablab na parang apoy ang aking galit; susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon, pati ang kailaliman ng lupa, at ang pundasyon ng mga bundok.
23“Tatambakan ko sila ng mga kalamidad, at tatamaan sila ng aking mga pana.
24Gugutumin ko sila; at mamamatay sila sa gutom at karamdaman. Padadalhan ko sila ng mababangis na hayop upang silaʼy salakayin at mga ahas upang silaʼy tuklawin.
25Sa labas ng kanilang bahay, marami ang mamamatay sa labanan, at sa loob nitoʼy maghahari ang takot. Mamamatay ang lahat, maging ang mga kabataan, matatanda at mga bata.
26Sinabi ko na ikakalat ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo.