28Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa.
29Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan.
30Paano ba mahahabol ng isang tao ang isang libong Israelita? Paano matatalo ng dalawang tao ang sampung libo sa kanila? Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng Panginoon na kanilang Batong kanlungan.
31Sapagkat ang Batong kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit silaʼy nakababatid nito.
32Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodoma at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng kumpol ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,