Deuteronomio 32

Sapagkat ang Batong kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit silaʼy nakababatid nito.

Deuteronomy 32:31 (UKJV) For their rock is not as our Rock, even our enemies themselves being judges.

29Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan.

30Paano ba mahahabol ng isang tao ang isang libong Israelita? Paano matatalo ng dalawang tao ang sampung libo sa kanila? Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng Panginoon na kanilang Batong kanlungan.

31Sapagkat ang Batong kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit silaʼy nakababatid nito.

32Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodoma at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng kumpol ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,

33at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.