31Sapagkat ang Batong kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit silaʼy nakababatid nito.
32Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodoma at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng kumpol ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga,
33at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas.
34Nababatid ng Panginoon ang kanilang ginagawa, iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon upang parusahan sila.
35Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahong madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”