39“Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Diyos! Wala nang iba pang diyos maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.
40Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa: Ako na nabubuhay magpakailanman,
41hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa. Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin.
42Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan. Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo. Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.”
43Mga bansa, purihin ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon. Sapagkat maghihiganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod. Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.