Deuteronomio 32

Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan. Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo. Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.”

Deuteronomy 32:42 (UKJV) I will make mine arrows drunk with blood, and my sword shall devour flesh; and that with the blood of the slain and of the captives, from the beginning of revenges upon the enemy.

40Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa: Ako na nabubuhay magpakailanman,

41hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa. Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin.

42Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan. Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo. Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.”

43Mga bansa, purihin ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon. Sapagkat maghihiganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod. Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.

44Ito nga ang inawit ni Moises kasama si Josue sa harapan ng mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.