Deuteronomio 32

“Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Diyos! Wala nang iba pang diyos maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.

Deuteronomy 32:39 (UKJV) See now that I, even I, am he, and there is no god with me: I kill, and I make alive; I wound, and I heal: neither is there any that can deliver out of my hand.

37At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos, ang batong kanlungan ninyo?

38Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang kublihan!

39“Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Diyos! Wala nang iba pang diyos maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.

40Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa: Ako na nabubuhay magpakailanman,

41hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa. Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.