Deuteronomio 32

Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang kublihan!

Deuteronomy 32:38 (UKJV) Which did eat the fat of their sacrifices, and drank the wine of their drink offerings? let them rise up and help you, and be your protection.

36Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niyang wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.

37At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos, ang batong kanlungan ninyo?

38Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang kublihan!

39“Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Diyos! Wala nang iba pang diyos maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.

40Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa: Ako na nabubuhay magpakailanman,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.