Deuteronomio 32

Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niyang wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.

Deuteronomy 32:36 (UKJV) For the LORD shall judge his people, and repent himself for his servants, when he sees that their power is gone, and there is none shut up, or left.

34Nababatid ng Panginoon ang kanilang ginagawa, iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon upang parusahan sila.

35Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahong madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”

36Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niyang wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.

37At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos, ang batong kanlungan ninyo?

38Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang kublihan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.