35Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahong madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”
36Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niyang wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi.
37At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos, ang batong kanlungan ninyo?
38Nasaan na ngayon ang inyong mga diyos na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang kublihan!
39“Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Diyos! Wala nang iba pang diyos maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay.