3Ipapahayag ko ang pangalan ng Panginoon, Purihin ang kadakilaan ng ating Diyos.
4Siya ang Batong Kanlungan, mga gawa niya ay walang kamalian, Siyaʼy Diyos na matapat, matuwid kanyang daan, at makatarungan.
5Ngunit ang ginagawa nilaʼy laban sa kanya. Silaʼy hindi na niya anak. Wala silang kahihiyan at silaʼy isang baluktot at suwail na henerasyon.
6Sa ganitong paraan ba ninyo gagantihan ang Panginoon, kayong mga mangmang at hangal na mga tao? Hindi baʼt siya ang inyong Ama na lumalang sa inyo? Siya ang lumikha at humubog sa inyo.
7Alalahanin ninyo ang mga araw na lumipas; isipin ang mga nagdaang henerasyon. Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at sasabihin nila ito sa inyo.