Deuteronomio 32

Sa ganitong paraan ba ninyo gagantihan ang Panginoon, kayong mga mangmang at hangal na mga tao? Hindi baʼt siya ang inyong Ama na lumalang sa inyo? Siya ang lumikha at humubog sa inyo.

Deuteronomy 32:6 (UKJV) Do all of you thus requite the LORD, O foolish people and unwise? is not he your father that has bought you? has he not made you, and established you?

4Siya ang Batong Kanlungan, mga gawa niya ay walang kamalian, Siyaʼy Diyos na matapat, matuwid kanyang daan, at makatarungan.

5Ngunit ang ginagawa nilaʼy laban sa kanya. Silaʼy hindi na niya anak. Wala silang kahihiyan at silaʼy isang baluktot at suwail na henerasyon.

6Sa ganitong paraan ba ninyo gagantihan ang Panginoon, kayong mga mangmang at hangal na mga tao? Hindi baʼt siya ang inyong Ama na lumalang sa inyo? Siya ang lumikha at humubog sa inyo.

7Alalahanin ninyo ang mga araw na lumipas; isipin ang mga nagdaang henerasyon. Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at sasabihin nila ito sa inyo.

8Nang binigyan ng Kataas-taasang Diyos ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang sangkatauhan, nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.