5Ngunit ang ginagawa nilaʼy laban sa kanya. Silaʼy hindi na niya anak. Wala silang kahihiyan at silaʼy isang baluktot at suwail na henerasyon.
6Sa ganitong paraan ba ninyo gagantihan ang Panginoon, kayong mga mangmang at hangal na mga tao? Hindi baʼt siya ang inyong Ama na lumalang sa inyo? Siya ang lumikha at humubog sa inyo.
7Alalahanin ninyo ang mga araw na lumipas; isipin ang mga nagdaang henerasyon. Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at sasabihin nila ito sa inyo.
8Nang binigyan ng Kataas-taasang Diyos ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang sangkatauhan, nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Diyos.
9Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niyang inangkin.