Deuteronomio 33

Sinabi niya, “Dumating ang Panginoon galing sa Sinai; nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw. Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran. Dumating siyang kasama ang libo-libong mga anghel, at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.

Deuteronomy 33:2 (UKJV) And he said, The LORD came from Sinai, and rose up from Seir unto them; he shined forth from mount Paran, and he came with ten thousands of saints: from his right hand went a fiery law for them.

1Ito ang basbas na sinabi ni Moises na lingkod ng Diyos sa mga Israelita bago siya namatay.

2Sinabi niya, “Dumating ang Panginoon galing sa Sinai; nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw. Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran. Dumating siyang kasama ang libo-libong mga anghel, at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.

3Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan. Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili. Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.

4Ibinigay ni Moises sa ating mga lahi ni Jacob ang kautusan bilang mana.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.