Deuteronomio 33

Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan. Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili. Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.

Deuteronomy 33:3 (UKJV) Yea, he loved the people; all his saints are in your hand: and they sat down at your feet; every one shall receive of your words.

1Ito ang basbas na sinabi ni Moises na lingkod ng Diyos sa mga Israelita bago siya namatay.

2Sinabi niya, “Dumating ang Panginoon galing sa Sinai; nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw. Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran. Dumating siyang kasama ang libo-libong mga anghel, at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.

3Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan. Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili. Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.

4Ibinigay ni Moises sa ating mga lahi ni Jacob ang kautusan bilang mana.

5Naging hari ang Panginoon ng Israel nang magtipon ang kanilang mga pinuno at ang kanilang mga angkan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.