Deuteronomio 33

Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Neftali, “Ang lahi ni Neftali ay sagana sa pagpapala ng Panginoon. Maangkin sana nila ang lupain sa kanluran at sa timog.”

Deuteronomy 33:23 (UKJV) And of Naphtali he said, O Naphtali, satisfied with favour, and full with the blessing of the LORD: possess you the west and the south.

21Pinili niya ang pinakamagandang lupain na nababagay sa mga pinuno. Kapag nagtitipon ang mga tagapamahala ng mga mamamayan ng Israel, sinusunod nila ang mga ipinatutupad ng Panginoon at ang kanyang mga tuntunin para sa Israel.”

22Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Dan, “Ang lahi ni Dan ay katulad ng mga batang leon na tumatalon-talon mula sa Bashan.”

23Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Neftali, “Ang lahi ni Neftali ay sagana sa pagpapala ng Panginoon. Maangkin sana nila ang lupain sa kanluran at sa timog.”

24Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Asher, “Pagpalain nawa ng Panginoon ang lahi ni Asher nang higit pa sa lahat ng lahi ng Israel. Nawa ay maging masaya sa kanila ang kapwa nila mga Israelita at maging sagana ang kanilang langis.

25At sanaʼy maprotektahan ng mga tarangkahang bakal at tanso ang mga pintuan ng kanilang lungsod, at sanaʼy manatili ang kanilang kadakilaan habang silaʼy nabubuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.