Deuteronomio 33

Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Asher, “Pagpalain nawa ng Panginoon ang lahi ni Asher nang higit pa sa lahat ng lahi ng Israel. Nawa ay maging masaya sa kanila ang kapwa nila mga Israelita at maging sagana ang kanilang langis.

Deuteronomy 33:24 (UKJV) And of Asher he said, Let Asher be blessed with children; let him be acceptable to his brethren, and let him dip his foot in oil.

22Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Dan, “Ang lahi ni Dan ay katulad ng mga batang leon na tumatalon-talon mula sa Bashan.”

23Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Neftali, “Ang lahi ni Neftali ay sagana sa pagpapala ng Panginoon. Maangkin sana nila ang lupain sa kanluran at sa timog.”

24Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Asher, “Pagpalain nawa ng Panginoon ang lahi ni Asher nang higit pa sa lahat ng lahi ng Israel. Nawa ay maging masaya sa kanila ang kapwa nila mga Israelita at maging sagana ang kanilang langis.

25At sanaʼy maprotektahan ng mga tarangkahang bakal at tanso ang mga pintuan ng kanilang lungsod, at sanaʼy manatili ang kanilang kadakilaan habang silaʼy nabubuhay.

26Walang katulad ang Diyos ng Israel. Sa kanyang kadakilaan, sumasakay siya sa ulap para matulungan kayo. Sa kanyang kadakilaan dumarating siya mula sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.