1Mula sa kapatagan ng Moab, umakyat si Moises sa Bundok ng Nebo sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa Jerico. Doon ipinakita ng Panginoon ang buong lupain – mula sa Gilead hanggang sa Dan,
2ang buong lupain ng Neftali, ang lupain ng Efraim at ng Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat ng Mediteraneo,
3ang Negeb, at ang buong lupain mula sa Kapatagan ng Jordan kasama ang Jerico (ang lungsod ng mga palma) hanggang sa Zoar.