Deuteronomio 34

ang Negeb, at ang buong lupain mula sa Kapatagan ng Jordan kasama ang Jerico (ang lungsod ng mga palma) hanggang sa Zoar.

Deuteronomy 34:3 (UKJV) And the south, and the plain of the valley of Jericho, the city of palm trees, unto Zoar.

1Mula sa kapatagan ng Moab, umakyat si Moises sa Bundok ng Nebo sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa Jerico. Doon ipinakita ng Panginoon ang buong lupain – mula sa Gilead hanggang sa Dan,

2ang buong lupain ng Neftali, ang lupain ng Efraim at ng Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat ng Mediteraneo,

3ang Negeb, at ang buong lupain mula sa Kapatagan ng Jordan kasama ang Jerico (ang lungsod ng mga palma) hanggang sa Zoar.

4Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iyan ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob, at sinabi kong ibibigay ko ito sa kanilang salinlahi. Ipinakita ko ito sa iyo, ngunit hindi ka makakapunta roon.”

5Kaya namatay si Moises na lingkod ng Panginoon, ayon sa sinabi ng Panginoon doon sa Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.