Deuteronomio 34

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iyan ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob, at sinabi kong ibibigay ko ito sa kanilang salinlahi. Ipinakita ko ito sa iyo, ngunit hindi ka makakapunta roon.”

Deuteronomy 34:4 (UKJV) And the LORD said unto him, This is the land which I swore unto Abraham, unto Isaac, and unto Jacob, saying, I will give it unto your seed: I have caused you to see it with yours eyes, but you shall not go over thither.

2ang buong lupain ng Neftali, ang lupain ng Efraim at ng Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat ng Mediteraneo,

3ang Negeb, at ang buong lupain mula sa Kapatagan ng Jordan kasama ang Jerico (ang lungsod ng mga palma) hanggang sa Zoar.

4Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iyan ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob, at sinabi kong ibibigay ko ito sa kanilang salinlahi. Ipinakita ko ito sa iyo, ngunit hindi ka makakapunta roon.”

5Kaya namatay si Moises na lingkod ng Panginoon, ayon sa sinabi ng Panginoon doon sa Moab.

6Inilibing siya sa Moab, sa lambak na nakaharap sa Bet-peor, subalit hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung saan talaga libingan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.