17hayop na naglalakad o lumilipad,
18gumagapang o nakatira sa tubig.
19Huwag kayong maakit sa pagsamba sa mga bagay na nasa langit, sa araw, buwan at mga bituin. Ang mga ito ay inilagay ng Panginoon na inyong Diyos para sa lahat ng mamamayan sa buong mundo.
20Alalahanin ninyong kinuha kayo ng Panginoon sa Ehipto, ang lugar na katulad ng pugon na naglalagablab, para maging mamamayan niya at natatanging pagmamay-ari niya, at ganyan nga kayo ngayon.
21Nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at isinumpa niya na hindi ako makakatawid sa Jordan at makakapasok sa magandang lupain na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.