Deuteronomio 4

Nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at isinumpa niya na hindi ako makakatawid sa Jordan at makakapasok sa magandang lupain na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.

Deuteronomy 4:21 (UKJV) Furthermore the LORD was angry with me for your sakes, and swore that I should not go over Jordan, and that I should not go in unto that good land, which the LORD your God gives you for an inheritance:

19Huwag kayong maakit sa pagsamba sa mga bagay na nasa langit, sa araw, buwan at mga bituin. Ang mga ito ay inilagay ng Panginoon na inyong Diyos para sa lahat ng mamamayan sa buong mundo.

20Alalahanin ninyong kinuha kayo ng Panginoon sa Ehipto, ang lugar na katulad ng pugon na naglalagablab, para maging mamamayan niya at natatanging pagmamay-ari niya, at ganyan nga kayo ngayon.

21Nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at isinumpa niya na hindi ako makakatawid sa Jordan at makakapasok sa magandang lupain na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.

22Mamamatay ako sa lupaing ito na hindi makakatawid sa Jordan, ngunit matatawid ninyo at masasakop ang masaganang lupaing iyon.

23Ngunit mag-ingat kayo na hindi ninyo makalimutan ang kasunduang ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosan sa anyo ng anumang bagay, dahil ipinagbabawal ito ng Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.