21Nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at isinumpa niya na hindi ako makakatawid sa Jordan at makakapasok sa magandang lupain na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.
22Mamamatay ako sa lupaing ito na hindi makakatawid sa Jordan, ngunit matatawid ninyo at masasakop ang masaganang lupaing iyon.
23Ngunit mag-ingat kayo na hindi ninyo makalimutan ang kasunduang ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosan sa anyo ng anumang bagay, dahil ipinagbabawal ito ng Panginoon na inyong Diyos.
24Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay tulad ng isang apoy na naglalagablab kapag naninibugho. Ayaw na ayaw niyang may sinasamba kayong ibang diyos.
25Sa bandang huli, kung magkakaanak kayo at magkakaapo, at naninirahan na sa lupaing iyon nang matagal na panahon, huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga diyos-diyosan ng anumang anyo. Masama ito sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos at makakapagpagalit ito sa kanya.