15Nang nakipag-usap ang Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai mula sa gitna ng apoy, wala kayong nakitang anyo ng Panginoon. Kaya bantayan ninyo ang inyong mga sarili
16na hindi ninyo dudungisan ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng paggawa ng anumang anyo o imahen ng diyos-diyosan, lalaki man o babae,
17hayop na naglalakad o lumilipad,
18gumagapang o nakatira sa tubig.
19Huwag kayong maakit sa pagsamba sa mga bagay na nasa langit, sa araw, buwan at mga bituin. Ang mga ito ay inilagay ng Panginoon na inyong Diyos para sa lahat ng mamamayan sa buong mundo.