Deuteronomio 4

Ipinarinig niya sa inyo ang kanyang tinig mula sa langit sa pagdisiplina sa inyo. Ipinakita niya sa inyo ang kanyang makapangyarihang apoy dito sa lupa upang makipag-usap sa inyo mula sa apoy na ito.

Deuteronomy 4:36 (UKJV) Out of heaven he made you to hear his voice, that he might instruct you: and upon earth he showed you his great fire; and you heard his words out of the midst of the fire.

34Mayroon pa bang ibang Diyos na nangahas na kunin ang isang grupo ng mga mamamayan mula sa isang bansa para maging kanya sa pamamagitan ng mga pagsubok, himala, mga kamangha-manghang bagay, digmaan o mga makapangyarihang gawa? Subalit iyan ang ginawa ng Panginoon na inyong Diyos doon sa Ehipto, at kayo mismo ang nakakita nito.

35Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito para malaman ninyo na ang Panginoon ang Diyos, at wala nang iba pa.

36Ipinarinig niya sa inyo ang kanyang tinig mula sa langit sa pagdisiplina sa inyo. Ipinakita niya sa inyo ang kanyang makapangyarihang apoy dito sa lupa upang makipag-usap sa inyo mula sa apoy na ito.

37At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan.

38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.