Deuteronomio 4

Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.

Deuteronomy 4:38 (UKJV) To drive out nations from before you greater and mightier than you are, to bring you in, to give you their land for an inheritance, as it is this day.

36Ipinarinig niya sa inyo ang kanyang tinig mula sa langit sa pagdisiplina sa inyo. Ipinakita niya sa inyo ang kanyang makapangyarihang apoy dito sa lupa upang makipag-usap sa inyo mula sa apoy na ito.

37At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan.

38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.

39Kaya alalahanin at isapuso ninyo ang araw na ito na ang Panginoon ay Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pang diyos.

40Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon upang walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, at para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa habang panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.