37At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan.
38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.
39Kaya alalahanin at isapuso ninyo ang araw na ito na ang Panginoon ay Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pang diyos.
40Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon upang walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, at para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa habang panahon.
41Pagkatapos, pumili si Moises ng tatlong lungsod sa silangan ng Jordan