Deuteronomio 4

Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon upang walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, at para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa habang panahon.

Deuteronomy 4:40 (UKJV) You shall keep therefore his statutes, and his commandments, which I command you this day, that it may go well with you, and with your children after you, and that you may prolong your days upon the earth, which the LORD your God gives you, for ever.

38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.

39Kaya alalahanin at isapuso ninyo ang araw na ito na ang Panginoon ay Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pang diyos.

40Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon upang walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, at para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa habang panahon.

41Pagkatapos, pumili si Moises ng tatlong lungsod sa silangan ng Jordan

42para makatakas papunta doon ang taong nakapatay ng kanyang kapwa nang hindi sinasadya at hindi plinano. Makakatakas siya papunta sa mga lungsod na ito at hindi siya mapahamak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.