35Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito para malaman ninyo na ang Panginoon ang Diyos, at wala nang iba pa.
36Ipinarinig niya sa inyo ang kanyang tinig mula sa langit sa pagdisiplina sa inyo. Ipinakita niya sa inyo ang kanyang makapangyarihang apoy dito sa lupa upang makipag-usap sa inyo mula sa apoy na ito.
37At dahil sa minahal niya ang inyong mga ninuno, pinili niya kayo at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng kanyang presensya at kapangyarihan.
38Itinaboy niya ang mga bansang mas makapangyarihan pa sa inyo para madala kayo sa kanilang lupaing ibinigay niya sa inyo bilang inyong mana, katulad ng ginawa niya ngayon.
39Kaya alalahanin at isapuso ninyo ang araw na ito na ang Panginoon ay Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pang diyos.