1Tinipon ni Moises ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila: “O mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntunin na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito. Pag-aralan ninyo ito at sundin.
2Gumawa sa atin ng kasunduan ang Panginoon na ating Diyos sa Bundok ng Sinai.
3Hindi ito ginawa ng Panginoon sa ating mga ninuno kundi sa ating lahat na nabubuhay ngayon.
4At doon sa bundok nagsalita ang Panginoon sa inyo mula sa apoy na parang magkaharap lang kayo.