Deuteronomio 7

Nakita ninyo ang mga pagsubok, mga himala at kamangha-manghang bagay, at ang dakilang kapangyarihang ipinakita ng Panginoon na inyong Diyos nang ilabas niya kayo. Katulad din nito ang gagawin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng taong kinatatakutan ninyo.

Deuteronomy 7:19 (UKJV) The great temptations which yours eyes saw, and the signs, and the wonders, and the mighty hand, and the stretched out arm, whereby the LORD your God brought you out: so shall the LORD your God do unto all the people of whom you are afraid.

17Baka sabihin ninyo sa inyong mga sarili, “Mas makapangyarihan pa ang bansang ito kaysa sa atin. Paano ba natin sila maitataboy?”

18Ngunit huwag kayong matatakot sa kanila, kundi alalahanin ninyong mabuti kung ano ang ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa Faraon at sa lahat ng Ehipsiyo.

19Nakita ninyo ang mga pagsubok, mga himala at kamangha-manghang bagay, at ang dakilang kapangyarihang ipinakita ng Panginoon na inyong Diyos nang ilabas niya kayo. Katulad din nito ang gagawin ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng taong kinatatakutan ninyo.

20At ngayon, padadalhan sila ng Panginoon na inyong Diyos ng mga putakti hanggang sa malipol kahit pa ang mga natitirang nagtatago.

21Huwag kayong matakot sa kanila dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos; ang makapangyarihan at kamangha-manghang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.