Deuteronomio 9

Ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato, na siya mismo ang sumulat ng mga utos na sinabi niya sa inyo na mula sa apoy doon sa Bundok ng Sinai habang nagtitipon kayo.

Deuteronomy 9:10 (UKJV) And the LORD delivered unto me two tables of stone written with the finger of God; and on them was written according to all the words, which the LORD spoke with you in the mount out of the midst of the fire in the day of the assembly.

8Kahit doon sa Bundok ng Sinai, ginalit ninyo ang Panginoon, kaya gusto na lang niya kayong patayin.

9Nang umakyat ako sa bundok para kunin ang malalapad na bato, kung saan nakasulat ang kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo, nanatili ako roon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom.

10Ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato, na siya mismo ang sumulat ng mga utos na sinabi niya sa inyo na mula sa apoy doon sa Bundok ng Sinai habang nagtitipon kayo.

11Pagkatapos ng apatnapung araw at apatnapung gabi, ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato kung saan nakasulat ang kautusan.

12At sinabi ng Panginoon sa akin, “Bumaba ka agad sapagkat ang mga mamamayang pinangunahan mo sa paglabas sa Ehipto ay nagpakasama na. Napakabilis nang kanilang pagtalikod sa mga tuntuning iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng mga diyos-diyosan para sa kanilang sarili.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.