Deuteronomio 9

At sinabi ng Panginoon sa akin, “Bumaba ka agad sapagkat ang mga mamamayang pinangunahan mo sa paglabas sa Ehipto ay nagpakasama na. Napakabilis nang kanilang pagtalikod sa mga tuntuning iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng mga diyos-diyosan para sa kanilang sarili.”

Deuteronomy 9:12 (UKJV) And the LORD said unto me, Arise, get you down quickly from behind; for your people which you have brought forth out of Egypt have corrupted themselves; they are quickly turned aside out of the way which I commanded them; they have made them a molten image.

10Ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato, na siya mismo ang sumulat ng mga utos na sinabi niya sa inyo na mula sa apoy doon sa Bundok ng Sinai habang nagtitipon kayo.

11Pagkatapos ng apatnapung araw at apatnapung gabi, ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato kung saan nakasulat ang kautusan.

12At sinabi ng Panginoon sa akin, “Bumaba ka agad sapagkat ang mga mamamayang pinangunahan mo sa paglabas sa Ehipto ay nagpakasama na. Napakabilis nang kanilang pagtalikod sa mga tuntuning iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng mga diyos-diyosan para sa kanilang sarili.”

13At sinabi pa ng Panginoon sa akin, “Nakita ko kung gaano katigas ang ulo ng mga mamamayang ito.

14Pabayaan mo akong puksain sila para hindi na sila maalala pa. Pagkatapos, gagawin kita at ang iyong salinlahi na isang bansa na mas makapangyarihan at mas marami pa kaysa sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.