1Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na hari sa Jerusalem:
2“Walang kabuluhan!” sabi ng Mangangaral. “Tunay na walang kabuluhan! Ang lahat ay walang kabuluhan.”
3Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?
4Lumilipas ang isang henerasyon at itoʼy napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago.