1Kung paanong napapabaho ng isang patay na langaw ang isang boteng pabango, ganoon din ang kaunting kamangmangan, nakakasira ng karunungan at karangalan.
2Ang taong marunong ay gustong gumawa ng kabutihan, ngunit ang hangal ay gustong gumawa ng kasamaan.
3At kahit sa paglalakad ng hangal, nakikita ang kawalan niya ng karunungan at ipinapakita sa lahat ang kanyang kahangalan.