Ang Mangangaral 10

Kung nagalit sa iyo ang iyong pinuno, huwag kang magbitiw sa tungkulin, sapagkat kung ikaw ay mahinahon, maitutuwid mo ang iyong pagkakamali.

Ecclesiastes 10:4 (UKJV) If the spirit of the ruler rise up against you, leave not your place; for yielding pacifies great offences.

2Ang taong marunong ay gustong gumawa ng kabutihan, ngunit ang hangal ay gustong gumawa ng kasamaan.

3At kahit sa paglalakad ng hangal, nakikita ang kawalan niya ng karunungan at ipinapakita sa lahat ang kanyang kahangalan.

4Kung nagalit sa iyo ang iyong pinuno, huwag kang magbitiw sa tungkulin, sapagkat kung ikaw ay mahinahon, maitutuwid mo ang iyong pagkakamali.

5May isa pa akong nakitang hindi maganda rito sa mundo at itoʼy ginagawa ng mga pinuno:

6Ang mga mangmang ay binibigyan ng mataas na tungkulin, pero ang mga mayayaman ay binibigyan ng mababang tungkulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.