4Kung nagalit sa iyo ang iyong pinuno, huwag kang magbitiw sa tungkulin, sapagkat kung ikaw ay mahinahon, maitutuwid mo ang iyong pagkakamali.
5May isa pa akong nakitang hindi maganda rito sa mundo at itoʼy ginagawa ng mga pinuno:
6Ang mga mangmang ay binibigyan ng mataas na tungkulin, pero ang mga mayayaman ay binibigyan ng mababang tungkulin.
7Nakakita rin ako ng mga aliping nakasakay sa kabayo habang ang mga dakilang taoʼy naglalakad na parang alipin.
8Kapag ikaw ang naghukay, baka ikaw din ang mahulog doon. Kapag lumusot ka sa butas ng pader, baka tuklawin ka ng ahas doon.