Ang Mangangaral 4

Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak, na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.

Ecclesiastes 4:3 (UKJV) Yea, better is he than either of them, which has not yet been, who has not seen the evil work that is done under the sun.

1Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo. Umiiyak ang mga inaapi, pero walang tumutulong sa kanila dahil makapangyarihan ang mang-aapi at walang kumakalinga sa kanila.

2Kaya nasabi kong mas mabuti pa ang mga patay kaysa sa mga buháy.

3Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak, na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.

4Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.

5Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay siya sa gutom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.