3Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak, na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.
4Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.
5Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay siya sa gutom.
6Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain at payapa ang buhay kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing dala ng labis na paghihirap, at para ka lang humahabol sa hangin.
7May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.