5Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay siya sa gutom.
6Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain at payapa ang buhay kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing dala ng labis na paghihirap, at para ka lang humahabol sa hangin.
7May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.
8May isang taong nag-iisa sa buhay. Wala siyang anak at wala ring kapatid. Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsaya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Pero wala naman akong mapag-iiwanan ng aking mga pinaghirapan.” Wala itong kabuluhan! At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
9Mas mabuti ang may kasama kaysa mag-isa; mas marami silang magagawa.