2Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Diyos. Alalahanin mo na ang Diyos ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.
3Kung papaanong madaling managinip kapag maraming alalahanin, madali ring makapagsalita ng kamangmangan kung padalos-dalos ka sa iyong pagsasalita.
4Kapag nangako ka sa Diyos, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako.
5Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin.
6Huwag kang magkasala sa iyong pananalita. At huwag mong sabihin sa mensaherong nasa Templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Diyos. Dahil magagalit ang Diyos kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo.